Showing posts with label Unforgettable. Show all posts
Showing posts with label Unforgettable. Show all posts

Pangarap ni Benjamin Alves, natupad sa bagong teleserye ng GMA-7



Natupad na ang pangarap ni Benjamin Alves na maging abogado kahit sa isang teleserye man lamang.

Gaganap na abogado si Benjamin sa bagong afternoon series ng GMA-7 na Unforgettable, na pagbibidahan nina Kylie Padilla, Mark Herras, at Phillip Salvador.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Benjamin, inisip daw niyang kumuha ng Law pagkatapos ng kolehiyo.

Saad ni Benjamin, “An English degree is really a good degree for pre-law.

“I thought about it… I thought a business law.

"Pero dito pa tayo [sa showbiz] at hindi pinalad na mapunta po ako doon.

“At gusto ng Diyos na nandito po ako sa Pilipinas at mag-showbiz. Yun po."

DREAM CAREER. Natuwa raw si Benjamin nang bigyan siya ng ganitong role sa bago niyang acting project.

“Ang gusto ko po sa ganitong role, never po in my life I’ll be a lawyer anymore.

“So, ah… maganda po siyang gampanan at marami po akong matutunan.

“Kasi po, when you take po any role, pag lawyer ka, lawyer ka sana.