Marian laughs off Dennis ‘hardness’

TALAGANG tirahin pa rin si Marian Rivera lalo na nga’t patuloy ang pamamayagpag ng kanyang Temptation of Wife na pinatutumba lahat ng mga katapat na programa, huh!

Ang latest na tsismis kay Marian ay ang diumano pagwu-walk out niya sa set ng TOW. Hindi raw niya nagustuhan ang script ng episode na iti-tape na sinulat ng headwriter.

Sad to say, imbento lang pala ’yung walk out na ’yon, huh! Ayon sa executive producer ng show, laging happy raw sa script si Yan-Yan at walang negatibong sinasabi ang Primetime Queen!

Imbes na maaapektuhan ng tsismis, tinatawanan na lang ito ni Marian. Gaya ng eksenang nasilipan niya si Dennis Trillo sa kinunan nilang eksena. Kasi naman, sa episode, sinusuyo ni Dennis bilang Marcel si Marian bilang Angeline.

Eh, galing sa banyo si Dennis at tuwalya lang ang nakatakip sa bukol niya. Pero bago ang take, biglang natanggal ang tapis ng aktor sa harap ni Marian kaya sa halip na magitla sa nakitang bukol, humalakhak na lang ang aktres sa nangyari.


At least, naging exception si Marian sa mga pinakitaan ni Dennis ng bukol na bihira niyang gawin sa kahit anong role niya, huh!

Teka nga’t matanong si Marian kung daks si Dennis!

source: journal philippines

0 comments:

Post a Comment