Bianca ignores reunited Dennis, Cristine



DUMATING  na si Bianca King  mula sa pagbabakasyon sa  Canada at America na masaya dahil parehong okay na ang dalawang may sakit na mahal niya sa buhay. Tagumpay ang  quadruple bypass ng  kanyang ama  sa Canada  at ang lola naman niyang may cancer sa America ay stable na ang kalagayan ngayon.

Humingi ng tatlong linggong  bakasyon si Bianca sa GMA Network para puntahan ang may sakit na mga kaanak.

Dumating siya noong  Wednesday mula Los Angeles, California. Tapos, noong Friday night ay um-attend na siya ng launching ng bagong store ng Planet Sports sa Bonifacio High Street, sa The Fort, Taguig City.

Bagong endorser ng Planet Sports si Bianca. Tamang-tama lang naman siyang kunin ng Planet Sports dahil super sexy na siya ngayon. Nag-fashion show pa siya na naka-two piece. Ang pambaba ay jogging pants at ang pang pantaas niya ay blouse na litaw ang pusod niya. Tamang-tamang outfit kapag nagdya-jogging o nasa gym. Kita namin ang abs ni Bianca na talagang pinaghirapan ng actress.

Samantala, biniro namin si Bianca na super fresh at walang ka-problema-problema sa buhay. Pati raw love life ay wala siyang problema. Kasi, loveless siya. Matagal na siyang naka-move on sa hiwalayan nila ni Dennis Trillo kahit pa nga nabalita niyang nagkabalikan na ito at si Cristine Reyes.


Malihim si Bianca pagdating sa love life. Pero, nadulas siya sa amin na may nakilala siyang new guy sa America. Malamang suitor lang ito kaya ayaw niyang mag-elaborate.

Di ba't walang inaamin si Bianca noon pa sa kanila ni Dennis?

Mas gusto niyang i-focus ang oras niya sa career. Looking forward siya sa bagong soap assignment na ibibigay sa kanya ng network. Tanging “Party Pilipinas” at guestings sa iba’t ibang show ng network ang ginagawa niya. Siyempre, di siya nawawala sa “Bubble Gang.”

source: journal.com.ph

0 comments:

Post a Comment