Lovi feels happy despite loveless state

HAPPY si Lovi Poe na nag-celebrate ng kanyang  birthday recently dahil pagkatapos ng Yesterday’s Bride, na nag-number one sa afternoon soap ng GMA 7, may kasunod agad siyang  bagong soap, ang unang tambalan nila ni Richard Gutierrez para sa evening prime time ng network. May tentative na working title na The Cure.

Bale ngayon lang sila totohanang mag-love team ni Richard. Although noong nagsisimula si Lovi noon ay nakasama  sa soap ni Richard na Captain  Barbell.

Matatapos ngayong week ang Yesterday’s Bride na unang solo love team nina Lovi at Rocco Nacino. Maraming humanga sa tambalan ng dalawa.

Kinikilala ngayon sa GMA sina Lovi at Rocco bilang new breed of dramatic stars.

Sa movie, malapit nang mapanood si Lovi sa pelikulang idinirek ni Joel Lamangan sa Regal Films, ang The Bride and the Lover kung saan kasama niya sina Jennylyn Mercado at Paulo Avelino.


Last year, gumawa ng pangalan ang last movie nila ni Dingdong Dantes sa takilya,  ang Tiktik: The Aswang Chronicles. Kumita ito nang husto sa takilya at may kasunod na agad na sequel ang movie.

XAVIER, INAMING CRUSH SI FRENCHESKA

VERY inspiring ang mga awitin ng baguhang singer na si Xavier Cruz. Halatang may pinaghuhugutan ang 19 years old na graduating student ng Asia-Pacific University sa kursong Entrepreneurship.

Kahit loveless si Xavier ngayon pagkatapos ng isang matagal na relationship  sa kanyang highschool sweetheart noon, punumpuno siya ng pagmamahal mula sa kanyang parents.

Umalalay ang kanyang mga magulang sa kanyang mga ambisyon sa buhay. Bukod sa binigyan siya ng magandang school sa kolehiyo, tinulungan din siya ng  kanyang businessman father na pumasok sa music school para mahasa ang kanyang boses at maging world class ang dating.

Isa pa ring inspiration ni Xavier ang magagaling na singer na hinahangaan niya. Tulad na lang ‘pag Sunday ay nakatutok na siya sa Party Pilipinas para panoorin ang kanyang  crush at paboritong si Frencheska Farr. Aliw na aliw siya sa boses ng dalaga, bukod pa sa beauty nito. Grand winner si Frencheska ng The Next Pinoy  Superstar noon ni Regine Velasquez.

Ngayong Saturday, si Xavier  ang napiling final front act sa post Valentine concert nina Jose Manalo at Wally Bayola  sa Zirkoh Morato at 9 p.m., na may titulong Pusong Bato. Makakasama rin dito si Xian Lim.

Bukod sa concert scene, pinagkakaabalahan ngayon ni Xavier ang pagbuo ng kanyang first album na binubuo ng apat na revival at isang bagong awitin.

Mahilig si Xavier sa mga awitin nina Gary Valenciano at Ogie Alcasid. Kaya sa first album niya at sa mga awitin niya ay mahahalata ang influence ng dalawang music icons.

Tumutulong din si Xavier sa kandidatura ni Sen. Koko Pimentel. Nag-perform siya sa dinner fund raising campaign ng butihing senador last Monday night na ginanap sa Astoria Plaza. 

HOLLYWOOD FILMS IN TAGALOG SA TV5

NAPANSIN  namin na palaki nang palaki ang mga pinapalabas na mga Hollywood movies dubbed in Tagalog sa TV5. Na-appreciate talaga namin ang Avatar ng batikang director na si James Cameron nang ipalabas ito bago mag-premiere ang Wowowillie nu’ng January.

Last Saturday (February 16), 4:30 p.m., napanood ang Salt kung saan tampok si Angelina Jolie. First time ipinalabas ang pelikula sa Philippine TV. Sa darating na  Sabado (February 23), sina Sylvester Stallone and Jet Li ng The Expendables naman ang makakasama natin sa parehong oras.

Kakaibang opportunity ang handog ng TV5 sa mga manonood dahil recently lamang pinalabas ang mga movie na ito sa mga sinehan. Kaya naman hindi nakapagtataka na pataas nang pataas ang ratings ng mga movies na pinapalabas ng TV5.

KIDLAT, MAY MGA BAGONG KALABAN

KAABANG-ABANG na talaga ang mga pangyayari sa Kidlat. Sa mga susunod na episode mapapanood na kung sino ang mga bagong makakalaban ng superhero ng bayan. Sina Paolo Ballesteros, ang Artista Academy graduates na sina Shaira Mae at Mark Neumann at ang newcomer na si Valerie Weigmann ang gugulo sa buhay ni Kidlat (Derek Ramsay).

Ulilang kambal ang role nina Shaira at Mark na may kapangyarihang gumawa ng yelo at apoy. Mas makikilala sila bilang Frosta at Fuego. Si Paolo naman ay si Warla na magmimistulang babae (mujer)—maganda ang hubog ng katawan at magara ang hitsura, ngunit may kakaibang lakas. Makukuha niya ang kanyang power sa pamamagitan ng isang mahiwagang bato.

Ang fashion at commercial model naman na si Valerie Weigmann ay gaganap sa papel na Natasha, isang sikat na fashion designer na may tinatagong lihim. Gamit ang kanyang telekinetic powers at kaalaman sa dark magic, siya ay magiging si Enigma. Meron din itong kakayahang mang-akit ng mga kalalakihan. Mahulog kaya ang loob ni Kidlat sa magandang dalagang ito?

Bukod sa mga villains na ito mapapanood pa rin sina Wendell Ramos bilang Graba Man  at Baron Geisler bilang Vincent Megaton na mga pangunahing kalaban ni Kidlat.  Subaybayan ang mga kaganapan sa Kidlat mula Lunes hanggang Biyernes, 6:45 p.m. sa TV5.

source: journal online

0 comments:

Post a Comment