Carla Abellana on Geoff Eigenmann: 'He is special that way na lumalakas ako dahil sa kanya'

Hindi man naging romantic ang Valentine’s date ng magkasintahang Carla Abellana at Geoff Eigenmann last Thursday, February 14, nag-iwan naman ito ng marka sa Kapuso actress.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Carla sa backstage ng Party Pilipinas last Sunday, February 17, sa GMA-7 studios, ikinuwento niya kung ano ang ginawa ng kasintahan para sa kanya.

Aniya, “Yun yung part na nagbigay ng flowers si Geoff.

“Kasi, hindi lang ako ang binigyan niya kundi yung sister ko rin, saka yung mom ko, binigyan rin niyan…so yung special."

VALENTINE’S HANG OUT. Paano naman sila nag-celebrate ng Valentine’s?

“May bago kasing bukas na spa si Geoff at yung co-management niya.

“So, doon ako nag-spent ng Valentine’s date ko. Isang buong hapon ako doon nagpamasahe, facial, nails...

“Tapos noong gabi… nagbago yung plans namin ni Geoff kasi last minute nag-decide yung restaurant na kakainan namin.

“Na-cancel yung reservation namin, na-cancel yung plans namin na supposedly magdi-dinner kami that night.



“Nag-decide kasi yung restaurant na may ipa-prioritize silang iba.

“So, napadpad lang kami sa tabi-tabi lang… kumain kami sa Japanese [restaurant], within the area na lang [Quezon City]… malapit lang sa bahay.

"Yun lang—spa, simpleng dinner."


GIFTS. Walang nabanggit si Carla na iba pang Valentine’s gift sa kanya si Geoff maliban sa mga flowers. Hindi ba sila mahilig magbigayan ng regalo?

“Hindi," tugon ni Carla.

“Yun nga ang sabi ko, e. Kami ni Geoff, hindi kami mahilig magbigayan ng expensive gifts.

“Kung magbibigayan man, sobrang bihira. Tapos, kailangan may okasyon—birthday o anniversary or Christmas.

“Pero hindi kami yung type na maya’t maya may expensive gifts kami."

Bakit hindi sila mahilig magregaluhan sa isa’t isa?

“Hindi ko alam," mabilis na sagot ni Carla.

Ayaw ba niyang nireregaluhan?

“Hindi din naman kami materialistic. Hindi naman kami maluho.

“Wala kaming mamahaling gamit like watches. Hindi naman kami sobrang ganoon.

“Minsan nga, mas gusto ko pa yung maliliit na bagay, e.

“Kunwari letter… yung mga ganoon, instead na mamahalin. Hindi talaga kami mahilig.

“Pero hindi ibig sabihin na hindi siya dapat magbigay! Dapat magbigay pa rin siya, di ba?

“Kasi maganda rin naman yung nabibigyan ka ng something special," pahayag niya.

Ano ba yung pinakamamahaling regalo na naibigay sa kanya ni Geoff?

“Jewelry… set siya, may earrings, necklace, at mamahalin na ring… Pasko."

SAVING UP. Baka naman kaya hindi masyadong nagreregalo ng mamahalin si Geoff dahil meron siyang pinaghahandaang future nilang dalawa?

Sabi ni Carla, “Puwede rin… which I completely understand. Hindi lang yun.

“Kasi si Geoff wants to buy his own house. Ang dami niyang investment na gustong pasukin, e.

“Number one, gusto niyang mag-ipon para magkaroon na siya ng sarili niyang bahay.

“So, walang problema. Kung alam ko namang nag-iipon siya for that, okay lang."

Paano niya gina-guide si Geoff sa pagbili nito ng sariling bahay? Gaya niya na nakabili na ng sarili niyang bahay.

“Yes, naghahanap ako for him. Pag may nakita akong maganda, sinasabi ko sa kanya or ipinapakita ko sa kanya.

“Tapos, pati na yung sizing, pricing at pati yung payment terms. Kahit paano, may ideas ako sa mga ganoon.

“Sini-share ko sa kanya kung ano yung puwede niyang gawin at kung ano yung mga options niya.

“So, ako nandiyan ako. Isa ako sa mga dapat niyang tanungin about it kasi napagdaanan ko na yun."

Meron na bang working budget si Geoff para sa gustong bilhing bahay? May balitang ang bahay na binili ni Carla ay umabot sa P15 million pesos.

“Hindi naman, hindi naman umabot ng P15 million," tanggi niya.

“Ahm, meron siyang specific budget or limit.

“Pero hindi ko alam kung meron na siyang ganoong halaga or pinag-iipunan niya or malayo pa… hindi ko talaga alam.

“Mahilig akong mag-research, kaya ako ang nagri-research para sa kanya kung interesado man siya."

DIFFERENCES. Kapansin-pansin na hindi lang masaya kundi parang kuntento si Carla sa pakikipagrelasyon niya sa kasintahan.

Gaano ba ka-special si Geoff na wala sa iba niyang naging boyfriend?

“Siya yung pinaka-totoo… siya yung pinakamahirap, aaminin ko… as in.

“Yun bang may mga times na nagka-clash talaga yung personalities namin, yung mga hilig or gusto namin.

“So, pinaka-challenging.

"Which is also good dahil nagtatagal kami, nalalapagsan namin yung mga yun—mas lalo kaming lumalakas.

“Kasi, kahit yung mga differences namin, nasi-settle namin.

“So, yun!

"Siya yung pinaka-totoo, siya yung walang halong biro, walang halong bola. What you see is what you get.

"He is special that way na lumalakas ako dahil sa kanya."

Hindi ba dumating sa saturation point si Carla na umayaw na sa relasyon dahil sa personality differences nilang dalawa?

“Hindi naman.

“Kasi feeling ko… ewan ko.

"We’re hoping na that each day will be better than yesterday… Pero hindi naman, walang ganoon.

“Magtu-two and half years na rin kami."

Ilang taon pa bago sila magplano ng kasal?

“Malayo pa talaga. Kasi marami pa kaming gustong pag-ipunan, marami pa kaming gustong puntahan… travel together. Malayo pa.

“Hindi pa kami ready—hindi pa kami secured as individuals."

LONG LASTING. May paniniwalang kapag tumatagal ng maraming taon ang relasyon, nawawala ang init ng pagmamahalan at nagiging kampante na sa isa’t isa ang magkasintahan.

Hindi kaya maging ganito ang ending ng kanilang samahan ni Geoff kapag umabot pa ng ilang taon ang kanilang relasyon?

“Ako, basta naniniwala na wala naman siya sa time o panahon," mabilis na sagot ni Carla.

“Hindi porke ten years na kayo, kayo na ang forever.

“Hindi naman ibig sabihin na six months pa lang kayo, dapat hindi kayo magpakasal.

“Kasi may mga taong less than one year pa lang sila together, pero sila na talaga ang destined for each other.

“Meron namang mga ten years na sila together, pero nagbe-break pa rin.

“So, wala sa tagal, wala siya sa time, wala siya sa panahon."

Wala bang nakasaad sa kontrata niya sa GMA-7 na hindi siya puwedeng pakasal hangga’t hindi ito expired?

“Wala naman. I’m sure naman, kung ipapaalam mo naman nang maigi yun, magagawan naman ng paraan yun.

"Hindi naman siya nakalagay sa contract."

ACCEPTANCE. Kumusta naman si Geoff sa pamilya ni Carla?

“Matagal nang okay naman… matagal na. He’s always been visible.

“Invited siya sa lahat ng gatherings namin—part of the family na si Geoff sa amin.

“Lalo na ako, part na rin ng pamilya niya."

Kung hindi si Geoff ang naging boyfriend niya, maiintindihan kaya ng iba ang trabaho niya sa showbiz?

“Oo naman. Lahat naman, madaling maintindihan basta’t ma-explain lang nang maigi—acceptance.

“Siyempre, kung mahal mo talaga ang tao, e, sanayan lang din.

“And my job naman isn’t that hard naman para intindihin.

"Kahit ako naman, di ba? Kinailangan kong i-accept na ito ang life ko—ito na pala yung show business.

"Acceptance, tapos time. Sanayan din." --

source: Rey Pumaloy, PEP

0 comments:

Post a Comment