Gina Alajar directs former leading man Phillip Salvador in Unforgettable

Hindi na nabalikan ng award-winning actress na si Gina Alajar ang pag-arte dahil mas naging abala na siya sa pagiging direktor ng ilang TV series.

Huling umarte si Direk Gina sa mga GMA-7 teleserye na Hiram Na Puso, Luna Blanca, at Amaya.

Pagkatapos nito ay nagkasunud-sunod na ang pagdidirek niya na nagsimula sa Reel Love Presents Tween Hearts noong 2010.

Hinawakan din ni Direk Gina ang Machete, Luna Blanca (second unit director), Temptation of Wife (second unit director), at Magdalena.

Ngayon ay siya ulit ang pinahawak sa bagong afternoon drama series na Unforgettable.

Sabi ng actress-director, “Thankful naman ako sa Kapuso network for trusting me with these projects.

“Bago ko naman tanggapin ang isang project na idirek, binabasa ko muna yung script for the pilot week.

“If I find it challenging, I will do it.

"Nagkakataon naman na nagugustuhan natin ang mga offers nila.

“I get to work with new stars and the veterans—yung mga nakasabay ko noong bata pa ako.

“Ngayon, idinidirek ko na sila!" sabay tawa niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gina sa press launch ng Unforgettable sa GMA Network Center last week.

VETERAN STARS. Kabilang sa sinasabing veteran stars na idinidirek ngayon ni Direk Gina ay si Phillip Salvador, na ilang beses niyang nakasama sa mga pelikula noong dekada ‘80.

Inamin ni Direk Gina na isa si Phillip sa paborito niyang leading men dahil sa mga pinagsamahan nilang mga pelikula.

Nagkasama silang dalawa sa Kontrobersyal (1981), Caught In The Act (1981), Kapit Sa Patalim: Bayan Ko (1985), at Orapronobis (1989).

Parehong alaga at hinubog bilang mga mahuhusay na artista sina Gina at Phillip ng yumaong award-winning film director na si Lino Brocka.

Kahit na matagal na silang magkakilala ni Ipe, nangapa pa rin daw si Gina dahil first time niyang ididirek ang dati niyang leading man.

Careful daw si Gina dahil ayaw niyang i-assume na kaagad niyang makukuha ang tiwala ni Ipe porke’t siya ang direktor ng project.

Sabi niya, “Sa totoo lang, kinabahan ako.

"Malaki kasi ang respeto ko kay Kuya Ipe, kaya medyo tinatantiya ko pa rin siya kasi first time ko siyang ididirek.

“Matagal din kasi kaming hindi nagkasama sa isang proyekto bilang mga artista. Ngayon lang ulit tapos ako pa ang director niya

“So I don’t want to cross any lines na baka hindi niya magustuhan."

Pero natuwa naman si Gina dahil naging very cooperative ang aktor at wala siyang naging problema rito bilang artista niya.

“In fairness kay Kuya Ipe, he’s very open sa mga ipinapagawa namin sa kanya in regards to his role sa Unforgettable.

“At natuwa naman ako dahil nakikinig siya sa akin. Kung ano ang gusto ko sa isang eksena ay gagawin niya.

“Hindi siya yung nakikialam sa paghawak ko sa mga eksena. He listens and he does his job as an actor very well.

“Siya pa rin yung Phillip Salvador na kilala ko—magaling at madaling makatrabaho.

“It makes my job a lot easier and fulfilling dahil isang Phillip Salvador ang idinidirek natin."

HUMBLE. Isa pang nagustuhan ni Gina kay Ipe kahit noon pa man ay ang pagiging humble nito at matulungin sa mga baguhang artista.

Sabi ng direktora, “Another thing good about Kuya Ipe, kahit noon pa, he never makes you feel intimidated.

“Hindi siya yung tipo ng artista na laging ipapaalala sa iyo na mahusay siyang artista at marami na siyang awards—hindi siya ganoong klaseng tao.

“In fact, mapagbigay ‘yang si Kuya Ipe… he likes to share whatever he learned from being an actor sa haba ng panahon.

“Kung ano ang natutunan niya kay Direk Lino noon, ibinabahagi niya sa mga baguhan na nakakasama niya.

“Kaya noong pareho kaming maging mentors last year sa Protégé, yung ginagawa niya na mag-mentor sa lahat ng mga contestants, siyang-siya iyon… He likes to help ang mga baguhan talaga.

“And we all appreciated that about him dahil Phillip Salvador na ‘yan!

“Hindi na niya kailangan gawin ang ganoon, but still, ipinaramdam at ipinakita niya kung gaano siya ka-down-to-earth na tao.

“I am happy na nagkaroon ako ng pagkakataon na maidirek ang tulad ni Kuya Ipe."

REUNION. Ikinatuwa rin ni Gina na nakasama si Carmi Martin sa Unforgettable dahil parang nag-reunion ang "Brocka Babies."

Aniya, “Ngayon ko rin lang madidirek si Carmi and it was nice to be working with her again.

“Lumapit nga siya sa akin noong first taping day niya at sinabi niyang tuwang-tuwa siya na maididirek ko na raw siya.

“Nakakataba naman ng puso na galing iyon sa isang tao na matagal mo nang hindi nakakasama sa trabaho.

“Reunion nga ng mga alaga ni Direk Lino!

“Nagkasama na kasi kami nila Carmi at Kuya Ipe sa pelikulang Kapit Sa Patalim: Bayan Ko.

“Magkakasama kaming tatlo when the film was taken and shown during the Cannes Film Festival in 1985.

“Kaya ang sarap na makatrabaho ulit ang mga dati mo nang nakasama.

“Like what I said, people like Kuya Ipe and Carmi make my job easier kasi napaka-professional nila hanggang ngayon." -- Ruel J. Mendoza, PEP

0 comments:

Post a Comment